Linggo, Hunyo 8, 2014




PA-FALL.


Yan ang salitang kadalasang sinasabi ng mga tao ngayon. Lalo na ang mga kababaihan. Pa-fall. Ang ibig sabihin niyan. Na-fall ka sa isang lalaking nilandi ka lang at hindi ka kayang panindigan. Tama diba? Kadalasan, mga kababaihan ang nagsasabi niyan kasi nga... mas sila yung nasasaktan. Mas sila yung naiiwan sa ere.


Sila yung madalas nasasaktan. Sila yung madalas nalang laging umiiyak.


Kasi nga. Ang mga babae ay mahina. Kahit ipakita nang mga yan na malakas sila sa panlabas na anyo, deep inside nahihirapan na yan. Para nang pinapatay nang dahil sa bigat at sakit na nararamdaman nila.




Bumalik tayo dun sa PA-FALL.


Para sa mga kababaihan...


Bakit kailangan niyo pang landiin ang isang babae? Tas hindi naman kayo marunong sumalo? Mga kuya. Sana naman alam niyong mahina ang mga babae. At mabilis silang ma-fall, ma-inlove sa isang lalaki. Lalo na sa lalaking nagpapakita ng motibo na gusto niya yung babae. Huwag kayong ganun. Dapat kung lalandiin niyo yung babae at na-fall sila, sasaluhin niyo. Hindi pwede yung trip trip lang. Na lalandiin mo sila tapos kapag na-fall na yung babae, iiwan niyo nalang sa ere at hindi na muling kakausapin pa na parang walang pinagsamahan o nangyari. Hindi dapat ganun. PANINDIGAN NIYO. NILANDI NIYO EH.



Para sa mga kababaihan...


Huwag na masyadong lalapit sa mga kalalakihan. Lalo na kung alam mong may pagka-playboy type ito or whatsoever. Kung pakiramdam mo, nagbibigay ng motibo yung lalaki na gusto ka niya... mas mabuting itanong mo muna ito sa kanya kaysa yung mag-assume. Mahirap yung ganun. Kasi mas masasaktan at mas magiging mabigat yung nararamdam mo. Mabuti yung tanungin mo siya kung totoo ba yung nararamdaman mong may gusto siya sayo. Para mas malinaw.

2 komento:

  1. Lucky Club Casino Site - Casino Reviews, Ratings and Bonuses
    Lucky Club Casino is a fun luckyclub.live online gambling site that has many welcome offers, so check out our list of top online casinos to get the most out of

    TumugonBurahin
  2. Borgata Hotel Casino & Spa - Mapyro
    Property Location titanium tube With a stay at Borgata Hotel Casino & 전라남도 출장안마 Spa in 순천 출장안마 Atlantic 영천 출장마사지 City (New Jersey), you'll be 공주 출장안마 convenient to Senator Frank Sisolak's home town

    TumugonBurahin